True Love Waits Ch. 13

True Love Waits Chapter 13

Maghihintay pa ba ako?

Pero ano naman ang dapat kong hintayin? Wala naman akong pangakong hawak.

Hindi ko alam kung ano ba ang nararamdaman ko. ‘Yun bang parang kapag hindi ko pinilit ang sarili ko na walang maramdaman, bubuhos na lang ang luha mula sa mga mata ko. Alam ko namang hindi ko matatakasan ‘to. Haharapin ko rin ito, pero saka na. Kapag kaya ko nang sabihin sa kanya. Matagal ko na rin namang tinatago ito. Wala naman sigurong mawawala kung hahayaan kong malaman niya kahit na kaunti lang sa totoo kong nararamdaman.

***

Oh, Sheen, nandito ka na pala,” si papa ang una kong nakita pagpasok ko sa bahay. Napakunot-noo siya habang nakatingin sa akin. “Bakit ganyan ang mukha mo? Ano nangyari ha?” tanong ni papa. Masyado bang halata na tuluyan nang nawala ang maganda kong mood?

Wala po, papa. Nahirapan lang ako sa mga subject kanina tapos ang dami pang gagawin,” minsan hindi mo rin talaga maiiwasan na magsinungaling sa magulang mo. Hindi ko naman gusto pero ayaw ko lang talaga pag-usapan. Nginitian ko na lang si papa tapos humalik na lang ako sa pisngi niya at papaakyat na ako sa hagdan.

Tapusin mo na agad ‘yang mga gagawin mo para makapagpahinga ka na. Tingnan mo sarili mo sa salimin,” pahabol pa ni papa. Parang ayaw ko tuloy tumingin sa salimin at baka sobrang pangit ng itsura ko.

Ang ending ng araw ko, ayon, humilato ako ng magdamag sa kama. May pasok pa bukas. Pero parang ayaw ko nang pumasok.

***

After my morning routine, diretso na ako ng school. I still can’t get myself to smile. Mukha siguro akong sobrang problemado. Nang makarating ako sa may gate ng school, nagulat ako, wala pang maraming estudyante. Maaga na naman yata akong nakapasok ngayon.

Sheenna…” may tumatawag sa akin? Hindi ako lumingon at diretso lang ako sa paglakad ko.

Sheenna! Wait lang!” medyo mas malakas na yung boses tapos parang kilala ko. Teka, nasa loob na ako ng school, syempre naman siguro kung kilala niya ako, kilala ko rin siya. So I decided to turn around to see who it was. And it’s someone I was not expecting to utter a word to me.

Uhm, hi Agnes,” yup, it’s Agnes. Eh bakit naman kaya niya ako tinawag…

Good morning,” greet na ng nakangiti pa. “Is it okay if I ask you something?

Sige…basta kaya kong sagutin,” sagot ko. Na-curious naman tuloy ako kung ano iyon.

It’s.. It’s about Kurt,” sabi niya sa akin. Napatitig tuloy ako sa kanya. “I suppose you already know about it.

And you know about it too? Kelan pa?” so..  alam ba ng buong school ‘to?

Alam ko naman na before pa. pero I didn’t know it would be so soon…” sabi niya sa akin. Agnes looked so upset about it too. “Sige ah. Let’s talk later? Magrerevise pa kasi kami.

Okay.” So.. I just continued walking. Talk later? Tungkol ulit don? Ano pa ba ang pag-uusapan namin tungkol don?

***

Sheenna, bakit parang wala kang energy ngayon?

ah, uhm, hi Kate. Wala, medyo nakakatamad kasi ang araw na’to eh,” or feeling ko lang ‘yun?

Talaga? Ikaw lang ata ang wala sa mood ngayong araw eh,” sabi ko nga eh, feeling ko lang ‘yon.

Oy, Sheenna, galaw-galaw naman diyan! Baka ma-stroke ka!” hay, ito na naman si Billie na laging mataas ang energy.

Sorry ah.. Sige maki-participate lang kayo sa activity ni ma’am. Baka pagalitan pa tayo nito eh,

May hindi ka na naman sinasabi sa amin noh?” sabi ni Billie. Hindi ko alam kung gusto kong ikwento sa kanila. Hindi naman sa ayaw ko, pero parang ayaw ko lang pagusapan. Ang gulo ko.

Sige, class, let’s continue this tomorrow pero dapat bukas, tapos na ‘yan,

Yes, Ma’am!

“Alright. Class dismissed. You may take your lunch.”

“Oh ayan, Sheen, lunch na. Baka gusto mo namang magkwento?” sabi ni Kate habang nag-aayos na ng gamit niya.

“Sheenna, friends mo naman kami eh. Dapat nagsasabihan tayo ng nararamdaman. Mamaya hindi namin alam, naiinis ka pala sa amin,” ito talang si Billie kung anu-ano ang iniisip.

“Hindi noh! Pwede bang dito ko na lang sabihin sa inyo? Dito na lang kayo kumain, lahat naman sila bababa eh.. Please?”

Okay.” “Sige.

***FLASHBACK***

Sheenna, pwede bang sa sky garden tayo mag-usap?” sabi ni Kurt.

Sige.” So umakyat na kami.

Ano ba yung sasabihin mo?”  umpisa ko. Pag-uusapan ba naming ‘yung tungkol dun sa facebook? Sasabihin kaya niya sa akin na game lang talaga ako for him? Or kaya na layuan ko siya? Hay nako, ito na naman ako. Super paranoid na naman. Sana hindi halata.

Wala naman.. ” he said while looking at me sideways, smiling.

Wala? Tapos pinapunta mo pa ako dito,” I did not mean to sound rude ah..

Sungit naman..” sabi niya habang tumatawa. “I just wanted to know if you’re okay. You know, about what happened dun sa–” I cut him off

Oo, okay lang ako. Huwag ka ng mag-alala dun.

That’s good to know,” then he smiled again. I can’t help but stare. “Especially when I’ll be leaving next week,” napatingin siya sa paa niya.

Ha?!  Ano? ! Eh saan ka naman pupunta!?

I’ve been studying online for it para hindi naman ako mahuli. We’ll be leaving for England. 2 weeks after we leave will be start of classes,” after niyang sabihin ‘yon, tumingin siya sa akin. I can see sadness sa mga mata niya. Nagbago yung expression niya. Mukha na siyang nagulat then, “Are you crying?

Napahawak agad ako sa mukha ko at oo nga, tumulo na pala ang luha ko but I tried to deny everything I was actually feeling inside.

Hindi ah. Hindi noh. Sinisipon kasi ako ngayon. Sige, Kurt, mauna na ako sa’yo,” sabay tayo ko sa kinauupuan ko. Tumakbo ako.

Sheenna! Sheena, sandal lang!” I didn’t stop. I kept on running. And the tears kept on flowing too.

***

Wala ka bang balak kausapin si Kurt?” tanong ni Billie.

Meron. And I plan on telling him everything.

 

Advertisements

True Love Waits Ch. 12

Magsipila na kayo!” sigaw ni Rafael. Siya kasi ang class president so ‘yan talaga ang Gawain niya araw-araw, actually, araw-araw for the past 4 years na magkakaklase kami dahil laging siya ang nananalo na president sa room. At pumipila nga pala kami dahil may CFC kami or yung tinatawag na flag ceremony.

Hoy, Vince at Kurt, try niyo kaya lumabas na noh?” medyo naiinis na sabi ni Rafael. Well, ‘di ko naman siya masisisi dahil kanina pa naman siya nagsisisigaw eh.

Nung tumayo sina Vince at Kurt, syempre napatingin ako. Iniisip ko lang kung alam ba niya yung tungkol dun sa picture at sa mga comments. Kung may pakialam ba siya o wala. O kung tama si ate Claire na baka panakit butas lang ako.

Napansin yata niyang tinititigan ko siya kaya napatingin din siya sa akin. Hindi ko inalis ang titig ko. Pero…bakit ganon ang tingin niya? Parang may gusto siyang sabihin. Yung tingin na alam mong may gusto siyan iparating sa’yo pero syempre hindi ko naman alam. Tapos nag-grin siya. It was the slightest grin ever. And then, ayon, naglakad na siya para pumila.

Dumaan siya sa likod ko and then he said, “Let’s talk later. After school hours,” I just nodded in return. Sabi na nga ba eh. Bigla tuloy akong kinabahan. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.

***

Nang naglalakad na kami sa may parking lot, I received a lot of ‘hellos’ and ‘his’ from students that I know by their faces. And as I expected, there were a lot of stares and glares from left to right. Halos yukong yuko na nga ang ulo dahil ayaw kong makita nila ang mukha. I don’t know why but a part of me is embarrassed. Is there a reason why I should feel like that? I know to myself that there is none but sometimes people make you feel things that you shouldn’t, make you believe things that you shouldn’t and make you do things that you shouldn’t. But that only happens if you let them….so why am I letting them?

Wow, bakit ngayon ko lang naisip ‘yon? Bakit ngayon ko lang naisip na hindi naman ako dapat na matakot at mahiya. Eh wala naman talaga akong ginawang kahiya-hiya. Kurt asked me to hang out and I think I accepted. At hindi naman nila ako pwedeng matawag na mangaagaw dahil wala na sila ni Agnes. Well, cool off daw. But that’s just the same thing, right?

And because of what I realized, I decided that I should just be me. Well, kung maiyak man ako sa mga sasabihin nila after, e’di umiyak.

oh Sheen, kaya pa?” tanong ni Anna Mae. Talaga namang magiging BFFs kami nito ngayong araw eh.

oo naman. Kayang-kaya!

Wow! San mo nakuha ang spirit na ‘yan?!” sabi ni Anna Mae na may kasabay pang palo sa balikat.

Aray! Masakit yun ah!” gumanti tuloy ako. Two times pa.

Makapalo! Dalawa yun ah! Wait lang, wala pa bang binibigay na project si Ms.G?” uhm, well, si Ms. G nap ala ang bago naming teacher sa culinary.

Wala pa. ngayon pa lang po sasabihin. Excited ka masyado.

’Di ah! Never.  Ako pa? ” tapos biglang sinabihan na kami lahat ni Rafael na umayos ng pila. Buti na lang at sa likod ako nakapwesto.

***

Sa totoo lang, marami-rami ang nagtanong sa aking ng tungkol dun sa facebook pero syempre, sa mga close friends lang ako nagkwento. Ayaw ko namang may iba pang makaalam ng totoong nararamdaman ko about it.

Tumunog na yung bell. Ibig sabihin, uwian na. ibig sabihin, HAPPY ME!

Yes! Sa wakas!” sabi ko ng medyo malakas.

Excited masyado?” tanong ni kate na nakatawa tapos nakangiti rin. Ito talagang si Kate parang walang kaproble-problema.

Syempre naman. Makakauwi na eh.” Sagot ko. ‘di naman yata halata na super excited ako eh.

Pero Monday ngayon so may pasok pa sa susunod na apat na araw,” nangaasar ata tong si Kate eh. Sasagot na sana ako kaya may tinuro siya sa likod ko. ‘Pag lingon ko, si Kurt pala.

Pwede ko bang mahiram ang kaibigan mo, Kate?” tanong ni Kurt kay Kate.

Ah sige. Mauna na ako sa’yo, Sheenna ah. Bye,” nag-bye na rin ako sa kanya. Hay, nakalimutan kong maguusap nga pala kami. Wala na, nawala na ang excitement ko.

Sheenna, pwede bang sa sky garden tayo mag-usap?

Sige.” So umakyat na kami.

True Love Waits Ch. 11

5:00 am, Monday. Oras na pala para gumising. Masakit pa rin ang ulo ko. Dahil lang naman ito sa kaguluhan na dulot ng mga comments sa facebook. Sa totoo lang mas maaga akong gumising ngayon para makapasok din ako ng mas maaga. Iniiwasan ko lang na dumaan sa hallway na alam kong maraming estudyante ‘pag pumasok ako ng 7:20 am ngayon. Alam ko namang makikita ko rin sila pag flg ceremony pero at least, kasama ko mga kaibigan ko don.

“Oy, Sheen, bakit ang aga mo naman ngayon?” tanong ni papa.

“Wala lang, papa. Gusto ko lang po pumaso ng maaga ngayon eh,” sagot ko na medyo inaantok pa. madaling araw na kaya ako nakatulog kagabi. Dahil din pala diyan kung bakit masakit ang ulo ko.

“Okay. Pero maligo ka na muna bago kumain at hindi pa ako nakakapagluto. ‘Di ka naman kasi nagsasabi,” tapos dumiretso na ako sa banyo. As usual, muni muni muna.

__________________

6:30 am na ako natapos. As in tapos na lahat at ready na akong pumasok. Hay buhay. Wala akong kagana-gana ngayong araw. Sana lang pumasok din ng maaga ang mga kaibigan ko. Para naman may kausap ako. Pakiramdam ko kasi may nakatago ditto sa dibdib ko na para bang gusto kong ilabas pero hindi ko alam kung paano. Hindi ko naman gusto pang sabihin ito kay papa dahil marami na siyang iniisip.

Mga 5 minutes lang nandito na ako  malapit sa high school building ng school. Buti na lang at wala pang mga estudyante.

“Good morning, Kuya Cris!” as usual, si kuya cris na naman ang una kong nakita.

“Oy, Sheenna! Aga mo ngayon ah. Bagong buhay ka na?”

“Grabe naman. Porket lagi akong late eh. Pero minsan lang to. Sinipag ako eh,” natawa naman ako, at least ‘di ba.

‘Pag dating ko sa 4th floor, walang katao-tao as in. Pero syempre, good news yon for me. Pagkabukas ko ng pinto, hay grabe! Bakit ba ganito ang amoy ng room na ito ‘pag umaga? Hmf. Well, no choice naman ako kaya naupo na lang ako sa proper seat ko. Dahil wala naman akong makausap, nilabas ko na lang ang Physics book ko para magbasa. Ganito ang napapala ng mga taong walang magawa eh, basa lang ng kahit ano tapos wala namang pumapasok sa utak.

Naka-fifteen pages na ata ako pero wala akong naiintindihan maliban na lang dun sa mga na-discuss ka ni sir. Actually, nakatitig lang ako ng matagal tas lipat na ng page. Galling ko no?

“Wow Sheenna, ang aga mo! Sipag ah, aral agad at PHYSICS PA!” hindi talaga magandang pakinggan ang boses nito ‘pag umaga. Nakakainis lang.

“Manahimik ka nga, Anna Mae! Ang sakit sa tenga ng boses! Alam mo yung taong may sipon tapos parang inipit pa yung boses tapos bulol, ganun ka!” nako nako nako.

“Weehh?! Taray mo!” pero umupo naman siya sa tabi ko. Nako, sana lang at hindi ito mangulit.

“Nakita ko pala yung picture niyo,” bigla na lang niyang sinabi. Napayuko tuloy ako. Parang bigla na lang akong nahiya. Hindi ko man lang alam ung bakit.

“oh bakit parang nalungkot ka? Sorry naman, ‘di ko alam eh,”

“Hindi naman ikaw eh. Naalala ko lang yung mga sinabi nung iba dun sa picture. Parang galit lahat ng tao sa akin tapos parang wala rin silang pakialam,” sabi ko sa kanya. Hindi ako naiiyak, talagang nakakalungkot lang.

“’Wag mo silang pansinin. Inggit lang yung mga yon. At tsaka mas bata rin sila.”

“Alam ko naman na mas bata sila. At ‘di naman nila kailangan na mainggit eh” …eh wala naman kasi talaga silang dapat na ikainggit dahil hindi naman ako girlfriend.

“Hay nako Sheenna, kahit na sabihin mo pang hindi ka niya girlfriend, maiinggit pa rin ‘yong mga ‘yon.” Eh bakit naman?? Tanong ko sa isip ko na parang nagets niya dahil binigyan ko siya ng isang questioning look.

“Kasi ganon ang tao. Walang may alam kung naging sila ni Agnes but everyone called you ‘mang-aagaw.’ They’re throwing insults at you because they don’t know you and also because that’s what they chose to see you as. Alam mo kasi, kung magrereact ka dahil galit ka rin sa kanila, pare-pareho kayong talo,” napabuntong-hininga na lang ako after sabihin ni Anna Mae ‘yon sa akin. Fair point. Actually, a good point.

“Natatakot pa rin ako eh”

“Bakit naman? Kasi baka laitin ka nila sa loob ng school?”

“oo naman.”

“Tumabi ka lang sa’kin. Ayaw naman siguro nila ng report sa principal ng bullying from the SSG President.” Sabay ngiti niya sa akin.

“Winner ka na talaga!” seryosong napagaan nun ang loob ko ah.

A Place In Time by Jessica Concha

Uhuh. the title tells everything. well, not all 😛

It has been a few months ago since I finished reading Jessica Concha’s A Place In Time. One thing I kind of regretted before reading it was asking my friend to tell me the story and who’s who. But yeah, that just made me want to read the story myself more.

I’m not planning on summarizing the story. Instead, I’ll just tell you its aftermaths. Yes, reading A Place In Time has its effects.

From the first 4 stories by Concha that I’ve read, APIT had the best Chapter 1…or whatever you call it. Hahaha. (I don’t know if it is an introduction or a prologue. Sarreeehh :P) ——> Back to what I was saying, yeah, Chapter 1 of APIT captivated me after its first 3 paragraphs. I don’t know why, it just sounded so interesting to me. It kept me reading.

It only took me 2-4 days reading the first 3 stories(I read the fourth one after APIT, that’s another story :P) but I read APIT for more than a week, that’s for sure! It was because I didn’t want it to end yet so I kept myself from finishing it. And also because I was so sure I’ll be crying (though I told my friends I’ll never cry over fictional stories).

______________________________

NOTE: this was last edited on April 3, 2012. i forgot to post it. and yeah, APIT is still the best. thumbs up to Ms. Jessica Concha. 🙂

i did cry though….

and i don’t know if the sequel ended already… the last chapter i read was 40-ishhh.

istoker.

someone found my blog through facebook. i think i should remove that link from my about me so people won’t see my blog. lol. haha 😛

that’s only because i accept anyone. as in anyone i don’t know. so yeahhh….

WHO’S STALKING???

and i just want to say thank you to the people who are still reading that short story and the unfinished love story. i think i won’t ever be able to continue that one because i lost interest. the people who inspired me to write that aren’t my classmates anymore.

yeah, it was supposed to be my birthday gift to my bestfriend. (it was all just for fun) but then i wasn’t able to finish it on time. 😦 good thing she didn’t get disappointed. (well, of course, it was all for laughs)

i still have school tomorrow. so i have to sleep now. 🙂

night night 🙂

october 28, 2012.