One of those days…

Minsan talaga hindi mo maiiwasan na mainis na lang sa magulang mo eh. Syempre, iba iba tayo ng dahilan kung bakit tayo naiinis sa kanila. Yung iba dahil sa paggising sa’yo sa umaga kahit antok na antok ka pa, yung iba naman dahil lagi ka na lang nilang inuutusan lalo na kapag bunso ka, at minsan dahil ayaw kang payagan sa mga events/places na gusto mong puntahan.

Ako rin syempre may sarili akong dahilan pero hindi ko na sasabihin. Hindi ako nangungunsinti sa pagka-inis ng mga kabataan sa mga magulang nila, ang gusto ko lang sabihin ay, sa tingin at opinyon ko lang naman, normal na ito. Meron kasing ibang mga anak na sa sobrang inis nila sa magulang nila ay nagagawa na nilang maglayas sa kadahilanang napakababaw, at alam ko naman na mali iyon. Ako, sa sarili, kahit kailan ay hindi ko magagawang maglayas. Unang dahilan, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Pangalawa, walang akong pera pantustos sa sarili ko. Pangatlo, natatakot ako. Panglima, hindi ‘yon makakaya ng konsensya ko.

At the end of the day naman, inis lang yan. Lalo na kung yung inis na iyon ay dulot lang ng mga rason na naitala ko kanina, mawawala at mawawala rin ang inis na yan. Hindi naman kasi natin sila matitiis eh at ganun din sila sa atin.

 

Advertisements