me, my friends and college

Dahil sa tagal kong nawala at wala pa akong naisusulat na kahit anong update sa aking blog, naisipan ko tuloy na bumisita sa aking site. 🙂 Magkukwento lang naman ako eh… tungkol sa mga kaibigan ko, tungkol sa college… mga normal days lang. 🙂

538157_428848333857839_68771520_n

Tulad na lang ng picture na ‘yan sa taas. Napaka-random… hindi ko na nga maalala kung anong araw ‘yan kinunan eh basta alam ko, isa ‘yan sa mga recent pics namin. 🙂 Yung naka-jacket na blue, si Charlie ‘yan. siya ang kaibigan ko na sinasabing hindi raw siya Pilipino kaya sabi ko naman, “Taksil ka!” hahaha 🙂 Yung naka-brown na jacket naman si Ren-Ren at ako yung babaeng naka-blue sa gilid. Kaya kami nasa gilid ni ren-ren ay dahil binalak naming matulog niyan eh. LOL. pero obviously, we weren’t successful. 😛

546808_615018295182255_360985748_n

at ito naman, obvious na obvious naman, nung Valentine’s Day ito kinunan. nasa mall kasi kami at nakita namin itong booth na ito kaya nagpicturan na lang kami dahil pare-pareho kaming mga walang date nung araw na iyon. 😀 ahahaha. at ito pa pala, nilibre kami ni Charlie ng chocolate cake nun! yum yum. at kinain din namin yung chocolate cake na dala ni Jaki nung day na ‘yon. may event din pala yung school nung araw na ‘yon so hindi naman kami malungkot… although, lahat ng Valentine surprises ng boys sa school ay hindi mga successful… well, hindi naman ako yung ni-surprise kaya i will not say anything more. mwahahhahahaha!

16488_563210540356189_1295074886_n

yes, this is us again. 🙂 hindi pa naman mandatory mag-uniform sa school kaya hindi pa kami lagi nag-uuniform. Tuesday nga ang uniform day namin eh pero sabi sa amin ni ma’am *, tuwing monday na lang daw para nakikita niya… haha. anyway, natripan lang naman namin ‘to dahil lahat nga kami naka-uniform that day (Except for the two na hindi.. haha). at ang daming nagsasabi na para raw kaming nagtatrabaho sa Globe dahil sa uniform namin! LOL. it’s not our fault! si Mr. Rajo Laurel ang nag-design ng uniform so i don’t care kahit ano pa sabihin niyo, designer brand ang uniform ko. LOL.

anyway, that’s it for today 🙂 may pasok na bukas!

Feb. 25, 2013/ EDSA Revolution Day

Advertisements

Buti pa sila

wala na kasi akong ibang mapagsulatan kaya dito na lang.

nagchachat kami ng HS batchmate ko sa facebook at nasabi niya sa akin na hindi niya kami ililibre sa birthday niya dahil nagpabili siya ng iPhone 3gs sa tita niya. malibang sa birthday niya, alam niyo kung bakit siya bibilhan non? kasi sinabi niyang mataas ang grades niya.

hindi naman ako naiinggit na binilhan siya ng ganon dahil mataas ang grades niya, okay lang naman yon. nalulungkot lang ako minsan dahil kahit nung HS pa lang ako, laging akong nasa top at matataas naman ang grades ko pero lagi pa ring hindi satisfied ang pamilya ko. i’m already doing my best and it’s still not enough for them so what more do they expect from me?

alam mo yung tipong, mas matataas ang grades ko sa karamihan ng mga kaklase ko pero disapponted sa akin ang mga tao. at ang mga kaklase kong halos nakapasa lang at tumaas ang grades, tuwang tuwa na ang mga magulang nila. doon lang naman ako naiinggit eh. i just want to be appreciated for the efforts i’m making. maybe that’s all i need so i can do better than my best.

but there’s nothing i can do. ganon na sila eh. siguro kung magkakaroon man ako ng sarili kong pamilya, i’ll make sure they my child will get appreciation from me at syempre i-pupush ko rin siya to be even better.

so hanggang dito na lang. call this a rant or whatever…..but yeah, it’s my blog. i do what i want with it.