True Love Waits Ch. 13

True Love Waits Chapter 13

Maghihintay pa ba ako?

Pero ano naman ang dapat kong hintayin? Wala naman akong pangakong hawak.

Hindi ko alam kung ano ba ang nararamdaman ko. ‘Yun bang parang kapag hindi ko pinilit ang sarili ko na walang maramdaman, bubuhos na lang ang luha mula sa mga mata ko. Alam ko namang hindi ko matatakasan ‘to. Haharapin ko rin ito, pero saka na. Kapag kaya ko nang sabihin sa kanya. Matagal ko na rin namang tinatago ito. Wala naman sigurong mawawala kung hahayaan kong malaman niya kahit na kaunti lang sa totoo kong nararamdaman.

***

Oh, Sheen, nandito ka na pala,” si papa ang una kong nakita pagpasok ko sa bahay. Napakunot-noo siya habang nakatingin sa akin. “Bakit ganyan ang mukha mo? Ano nangyari ha?” tanong ni papa. Masyado bang halata na tuluyan nang nawala ang maganda kong mood?

Wala po, papa. Nahirapan lang ako sa mga subject kanina tapos ang dami pang gagawin,” minsan hindi mo rin talaga maiiwasan na magsinungaling sa magulang mo. Hindi ko naman gusto pero ayaw ko lang talaga pag-usapan. Nginitian ko na lang si papa tapos humalik na lang ako sa pisngi niya at papaakyat na ako sa hagdan.

Tapusin mo na agad ‘yang mga gagawin mo para makapagpahinga ka na. Tingnan mo sarili mo sa salimin,” pahabol pa ni papa. Parang ayaw ko tuloy tumingin sa salimin at baka sobrang pangit ng itsura ko.

Ang ending ng araw ko, ayon, humilato ako ng magdamag sa kama. May pasok pa bukas. Pero parang ayaw ko nang pumasok.

***

After my morning routine, diretso na ako ng school. I still can’t get myself to smile. Mukha siguro akong sobrang problemado. Nang makarating ako sa may gate ng school, nagulat ako, wala pang maraming estudyante. Maaga na naman yata akong nakapasok ngayon.

Sheenna…” may tumatawag sa akin? Hindi ako lumingon at diretso lang ako sa paglakad ko.

Sheenna! Wait lang!” medyo mas malakas na yung boses tapos parang kilala ko. Teka, nasa loob na ako ng school, syempre naman siguro kung kilala niya ako, kilala ko rin siya. So I decided to turn around to see who it was. And it’s someone I was not expecting to utter a word to me.

Uhm, hi Agnes,” yup, it’s Agnes. Eh bakit naman kaya niya ako tinawag…

Good morning,” greet na ng nakangiti pa. “Is it okay if I ask you something?

Sige…basta kaya kong sagutin,” sagot ko. Na-curious naman tuloy ako kung ano iyon.

It’s.. It’s about Kurt,” sabi niya sa akin. Napatitig tuloy ako sa kanya. “I suppose you already know about it.

And you know about it too? Kelan pa?” so..  alam ba ng buong school ‘to?

Alam ko naman na before pa. pero I didn’t know it would be so soon…” sabi niya sa akin. Agnes looked so upset about it too. “Sige ah. Let’s talk later? Magrerevise pa kasi kami.

Okay.” So.. I just continued walking. Talk later? Tungkol ulit don? Ano pa ba ang pag-uusapan namin tungkol don?

***

Sheenna, bakit parang wala kang energy ngayon?

ah, uhm, hi Kate. Wala, medyo nakakatamad kasi ang araw na’to eh,” or feeling ko lang ‘yun?

Talaga? Ikaw lang ata ang wala sa mood ngayong araw eh,” sabi ko nga eh, feeling ko lang ‘yon.

Oy, Sheenna, galaw-galaw naman diyan! Baka ma-stroke ka!” hay, ito na naman si Billie na laging mataas ang energy.

Sorry ah.. Sige maki-participate lang kayo sa activity ni ma’am. Baka pagalitan pa tayo nito eh,

May hindi ka na naman sinasabi sa amin noh?” sabi ni Billie. Hindi ko alam kung gusto kong ikwento sa kanila. Hindi naman sa ayaw ko, pero parang ayaw ko lang pagusapan. Ang gulo ko.

Sige, class, let’s continue this tomorrow pero dapat bukas, tapos na ‘yan,

Yes, Ma’am!

“Alright. Class dismissed. You may take your lunch.”

“Oh ayan, Sheen, lunch na. Baka gusto mo namang magkwento?” sabi ni Kate habang nag-aayos na ng gamit niya.

“Sheenna, friends mo naman kami eh. Dapat nagsasabihan tayo ng nararamdaman. Mamaya hindi namin alam, naiinis ka pala sa amin,” ito talang si Billie kung anu-ano ang iniisip.

“Hindi noh! Pwede bang dito ko na lang sabihin sa inyo? Dito na lang kayo kumain, lahat naman sila bababa eh.. Please?”

Okay.” “Sige.

***FLASHBACK***

Sheenna, pwede bang sa sky garden tayo mag-usap?” sabi ni Kurt.

Sige.” So umakyat na kami.

Ano ba yung sasabihin mo?”  umpisa ko. Pag-uusapan ba naming ‘yung tungkol dun sa facebook? Sasabihin kaya niya sa akin na game lang talaga ako for him? Or kaya na layuan ko siya? Hay nako, ito na naman ako. Super paranoid na naman. Sana hindi halata.

Wala naman.. ” he said while looking at me sideways, smiling.

Wala? Tapos pinapunta mo pa ako dito,” I did not mean to sound rude ah..

Sungit naman..” sabi niya habang tumatawa. “I just wanted to know if you’re okay. You know, about what happened dun sa–” I cut him off

Oo, okay lang ako. Huwag ka ng mag-alala dun.

That’s good to know,” then he smiled again. I can’t help but stare. “Especially when I’ll be leaving next week,” napatingin siya sa paa niya.

Ha?!  Ano? ! Eh saan ka naman pupunta!?

I’ve been studying online for it para hindi naman ako mahuli. We’ll be leaving for England. 2 weeks after we leave will be start of classes,” after niyang sabihin ‘yon, tumingin siya sa akin. I can see sadness sa mga mata niya. Nagbago yung expression niya. Mukha na siyang nagulat then, “Are you crying?

Napahawak agad ako sa mukha ko at oo nga, tumulo na pala ang luha ko but I tried to deny everything I was actually feeling inside.

Hindi ah. Hindi noh. Sinisipon kasi ako ngayon. Sige, Kurt, mauna na ako sa’yo,” sabay tayo ko sa kinauupuan ko. Tumakbo ako.

Sheenna! Sheena, sandal lang!” I didn’t stop. I kept on running. And the tears kept on flowing too.

***

Wala ka bang balak kausapin si Kurt?” tanong ni Billie.

Meron. And I plan on telling him everything.

 

Advertisements

True Love Waits Ch. 12

Magsipila na kayo!” sigaw ni Rafael. Siya kasi ang class president so ‘yan talaga ang Gawain niya araw-araw, actually, araw-araw for the past 4 years na magkakaklase kami dahil laging siya ang nananalo na president sa room. At pumipila nga pala kami dahil may CFC kami or yung tinatawag na flag ceremony.

Hoy, Vince at Kurt, try niyo kaya lumabas na noh?” medyo naiinis na sabi ni Rafael. Well, ‘di ko naman siya masisisi dahil kanina pa naman siya nagsisisigaw eh.

Nung tumayo sina Vince at Kurt, syempre napatingin ako. Iniisip ko lang kung alam ba niya yung tungkol dun sa picture at sa mga comments. Kung may pakialam ba siya o wala. O kung tama si ate Claire na baka panakit butas lang ako.

Napansin yata niyang tinititigan ko siya kaya napatingin din siya sa akin. Hindi ko inalis ang titig ko. Pero…bakit ganon ang tingin niya? Parang may gusto siyang sabihin. Yung tingin na alam mong may gusto siyan iparating sa’yo pero syempre hindi ko naman alam. Tapos nag-grin siya. It was the slightest grin ever. And then, ayon, naglakad na siya para pumila.

Dumaan siya sa likod ko and then he said, “Let’s talk later. After school hours,” I just nodded in return. Sabi na nga ba eh. Bigla tuloy akong kinabahan. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.

***

Nang naglalakad na kami sa may parking lot, I received a lot of ‘hellos’ and ‘his’ from students that I know by their faces. And as I expected, there were a lot of stares and glares from left to right. Halos yukong yuko na nga ang ulo dahil ayaw kong makita nila ang mukha. I don’t know why but a part of me is embarrassed. Is there a reason why I should feel like that? I know to myself that there is none but sometimes people make you feel things that you shouldn’t, make you believe things that you shouldn’t and make you do things that you shouldn’t. But that only happens if you let them….so why am I letting them?

Wow, bakit ngayon ko lang naisip ‘yon? Bakit ngayon ko lang naisip na hindi naman ako dapat na matakot at mahiya. Eh wala naman talaga akong ginawang kahiya-hiya. Kurt asked me to hang out and I think I accepted. At hindi naman nila ako pwedeng matawag na mangaagaw dahil wala na sila ni Agnes. Well, cool off daw. But that’s just the same thing, right?

And because of what I realized, I decided that I should just be me. Well, kung maiyak man ako sa mga sasabihin nila after, e’di umiyak.

oh Sheen, kaya pa?” tanong ni Anna Mae. Talaga namang magiging BFFs kami nito ngayong araw eh.

oo naman. Kayang-kaya!

Wow! San mo nakuha ang spirit na ‘yan?!” sabi ni Anna Mae na may kasabay pang palo sa balikat.

Aray! Masakit yun ah!” gumanti tuloy ako. Two times pa.

Makapalo! Dalawa yun ah! Wait lang, wala pa bang binibigay na project si Ms.G?” uhm, well, si Ms. G nap ala ang bago naming teacher sa culinary.

Wala pa. ngayon pa lang po sasabihin. Excited ka masyado.

’Di ah! Never.  Ako pa? ” tapos biglang sinabihan na kami lahat ni Rafael na umayos ng pila. Buti na lang at sa likod ako nakapwesto.

***

Sa totoo lang, marami-rami ang nagtanong sa aking ng tungkol dun sa facebook pero syempre, sa mga close friends lang ako nagkwento. Ayaw ko namang may iba pang makaalam ng totoong nararamdaman ko about it.

Tumunog na yung bell. Ibig sabihin, uwian na. ibig sabihin, HAPPY ME!

Yes! Sa wakas!” sabi ko ng medyo malakas.

Excited masyado?” tanong ni kate na nakatawa tapos nakangiti rin. Ito talagang si Kate parang walang kaproble-problema.

Syempre naman. Makakauwi na eh.” Sagot ko. ‘di naman yata halata na super excited ako eh.

Pero Monday ngayon so may pasok pa sa susunod na apat na araw,” nangaasar ata tong si Kate eh. Sasagot na sana ako kaya may tinuro siya sa likod ko. ‘Pag lingon ko, si Kurt pala.

Pwede ko bang mahiram ang kaibigan mo, Kate?” tanong ni Kurt kay Kate.

Ah sige. Mauna na ako sa’yo, Sheenna ah. Bye,” nag-bye na rin ako sa kanya. Hay, nakalimutan kong maguusap nga pala kami. Wala na, nawala na ang excitement ko.

Sheenna, pwede bang sa sky garden tayo mag-usap?

Sige.” So umakyat na kami.

True Love Waits Ch. 11

5:00 am, Monday. Oras na pala para gumising. Masakit pa rin ang ulo ko. Dahil lang naman ito sa kaguluhan na dulot ng mga comments sa facebook. Sa totoo lang mas maaga akong gumising ngayon para makapasok din ako ng mas maaga. Iniiwasan ko lang na dumaan sa hallway na alam kong maraming estudyante ‘pag pumasok ako ng 7:20 am ngayon. Alam ko namang makikita ko rin sila pag flg ceremony pero at least, kasama ko mga kaibigan ko don.

“Oy, Sheen, bakit ang aga mo naman ngayon?” tanong ni papa.

“Wala lang, papa. Gusto ko lang po pumaso ng maaga ngayon eh,” sagot ko na medyo inaantok pa. madaling araw na kaya ako nakatulog kagabi. Dahil din pala diyan kung bakit masakit ang ulo ko.

“Okay. Pero maligo ka na muna bago kumain at hindi pa ako nakakapagluto. ‘Di ka naman kasi nagsasabi,” tapos dumiretso na ako sa banyo. As usual, muni muni muna.

__________________

6:30 am na ako natapos. As in tapos na lahat at ready na akong pumasok. Hay buhay. Wala akong kagana-gana ngayong araw. Sana lang pumasok din ng maaga ang mga kaibigan ko. Para naman may kausap ako. Pakiramdam ko kasi may nakatago ditto sa dibdib ko na para bang gusto kong ilabas pero hindi ko alam kung paano. Hindi ko naman gusto pang sabihin ito kay papa dahil marami na siyang iniisip.

Mga 5 minutes lang nandito na ako  malapit sa high school building ng school. Buti na lang at wala pang mga estudyante.

“Good morning, Kuya Cris!” as usual, si kuya cris na naman ang una kong nakita.

“Oy, Sheenna! Aga mo ngayon ah. Bagong buhay ka na?”

“Grabe naman. Porket lagi akong late eh. Pero minsan lang to. Sinipag ako eh,” natawa naman ako, at least ‘di ba.

‘Pag dating ko sa 4th floor, walang katao-tao as in. Pero syempre, good news yon for me. Pagkabukas ko ng pinto, hay grabe! Bakit ba ganito ang amoy ng room na ito ‘pag umaga? Hmf. Well, no choice naman ako kaya naupo na lang ako sa proper seat ko. Dahil wala naman akong makausap, nilabas ko na lang ang Physics book ko para magbasa. Ganito ang napapala ng mga taong walang magawa eh, basa lang ng kahit ano tapos wala namang pumapasok sa utak.

Naka-fifteen pages na ata ako pero wala akong naiintindihan maliban na lang dun sa mga na-discuss ka ni sir. Actually, nakatitig lang ako ng matagal tas lipat na ng page. Galling ko no?

“Wow Sheenna, ang aga mo! Sipag ah, aral agad at PHYSICS PA!” hindi talaga magandang pakinggan ang boses nito ‘pag umaga. Nakakainis lang.

“Manahimik ka nga, Anna Mae! Ang sakit sa tenga ng boses! Alam mo yung taong may sipon tapos parang inipit pa yung boses tapos bulol, ganun ka!” nako nako nako.

“Weehh?! Taray mo!” pero umupo naman siya sa tabi ko. Nako, sana lang at hindi ito mangulit.

“Nakita ko pala yung picture niyo,” bigla na lang niyang sinabi. Napayuko tuloy ako. Parang bigla na lang akong nahiya. Hindi ko man lang alam ung bakit.

“oh bakit parang nalungkot ka? Sorry naman, ‘di ko alam eh,”

“Hindi naman ikaw eh. Naalala ko lang yung mga sinabi nung iba dun sa picture. Parang galit lahat ng tao sa akin tapos parang wala rin silang pakialam,” sabi ko sa kanya. Hindi ako naiiyak, talagang nakakalungkot lang.

“’Wag mo silang pansinin. Inggit lang yung mga yon. At tsaka mas bata rin sila.”

“Alam ko naman na mas bata sila. At ‘di naman nila kailangan na mainggit eh” …eh wala naman kasi talaga silang dapat na ikainggit dahil hindi naman ako girlfriend.

“Hay nako Sheenna, kahit na sabihin mo pang hindi ka niya girlfriend, maiinggit pa rin ‘yong mga ‘yon.” Eh bakit naman?? Tanong ko sa isip ko na parang nagets niya dahil binigyan ko siya ng isang questioning look.

“Kasi ganon ang tao. Walang may alam kung naging sila ni Agnes but everyone called you ‘mang-aagaw.’ They’re throwing insults at you because they don’t know you and also because that’s what they chose to see you as. Alam mo kasi, kung magrereact ka dahil galit ka rin sa kanila, pare-pareho kayong talo,” napabuntong-hininga na lang ako after sabihin ni Anna Mae ‘yon sa akin. Fair point. Actually, a good point.

“Natatakot pa rin ako eh”

“Bakit naman? Kasi baka laitin ka nila sa loob ng school?”

“oo naman.”

“Tumabi ka lang sa’kin. Ayaw naman siguro nila ng report sa principal ng bullying from the SSG President.” Sabay ngiti niya sa akin.

“Winner ka na talaga!” seryosong napagaan nun ang loob ko ah.

True Love Waits Ch 10

Tama nga ako, naging masarap at mahimbing ang ang tulog ko nung gabing iyon. Pero sa totoo lang, ayaw ko lang talagang isipin ang isang bagay. Alam ko kasi na kapag inisip ko iyon, masisira ang buong araw ko. Hindi naman siguro magagawa ni Kurt iyon di ba? Hindi naman siguro ganoong klaseng lalaki di ba? Ano ba ito, sinabi nang hindi ko ito iisipin dahil baka maawa lang ako sa sarili ko.

“Hoy Sheenna, bakit nakatulala ka na naman dyan?” sabi ni ate Claire, kasambahay namin siya dito. Hindi kami mayaman pero kailangan lang para makatulong sa mga gawain sa bahay, pareho kasing may trabaho ang magulang ko.

“Sorry po, ate Claire. May iniisip lang.”

“Eh ano naman ang iniisip mo?”

“Sasabihin ko po pero i-promise niyo po na makikinig talaga kayo sa akin..”

“Oo naman. Oh dali, mag-kwento ka na.”

“Kasi po diba lumabasa po ako kahapon…kasama ko si Kurt.”

“Ah oo. Yung gwapo? Crush mo iyon di ba? Kinilig ka ba masyado?”

“Kasi naman, ate Claire eh! Nag-promise ka na makikinig ka.”

“Sorry na. Ito naman. Sige, hindi na ako magtatanong.”

“So ayon, sa mall lang naman po niya ako dinala. Una po naming ginawa ay kumain. Sa Seafood Island pa nga po niya balak kumain pero allergic ako sa seafoods kaya sabi ko sa Kamayan na lang. Siya po yung umorder at nagbayad. pero po nung wala pa yung mga pagkain, nakita ko siya na may tinitingnan. Sobrang seryoso nga ng mukha niya eh, kitang kita ko po iyon. Hindi ko pinansin nung una pero talagang tinitingnan niya pa rin kaya napatingin na rin ako. Nung nakita ko kung sino nagulat po ako at syempre…nalungkot.”

“Sabi ko hindi ako magtatanong pero sino ba iyon?”

“SBarerei Agnes po.”

“Sino naman siya?”

“Ex-girlfriend po siya ni Kurt.”

“Tapos ano nang sumunod na nangyari?”

“Tiningnan din kami ni Agnes. Pero umiwas din ng tingin kaya lang sinundan siya ng tingin ni Kurt hanggang sa di na sila makita tapos dumating na yung order namin. Nag-uusap pa rin naman kami nung kumakain na pero parang hindi na siya interesado na makipag-usap sa akin. Buti na lang nung nag-arcade kami hindi na namin siya nakita. Pero nung pagpunta po namin sa isang shop ng accessories, nakita ko na naman siya. Binilihan kasi ako ni Kurt ng bracelet.” nung sinabi ko yon ipinakita ko kay ate Claire yung bracelet ko pero ngumiti lang siya.

“Bakit po? Hindi ba maganda?”

“Maganda. May tanong ang ako?”

“Ano po?”

“Si Kurt ba ang nagsuot sayo niyan?”

“Opo.”

“Nakita yon nung Agnes?”

“Opo. Teka, bakit ba?”

“Sheenna, siguraduhin mong hiwalay na talaga iyang dalawang iyan. Pero sa ngayon, huwag ka munang umasa sa kahit ano. Kilalanin mo muna ang lalaking iyan.”

“Apat na taon na po kaming magkasama sa school. Feeling ko naman po kilala ko na siya.”

“Hindi sapat yan. Ayaw lang kitang makita na malungkot. Sa tingin ko alam mo naman kung ano yung maari niyang ginagawa kasi iniisip mo rin yan kanina.”

“Sige po. Aakyat muna ako sa kwarto.”

Tama si ate Claire. Alam ko naman kung ano yung maari niyang ginagawa pero kung balak niyang pagselosin si Agnes, bakit ako pa? Ano namang laban ko doon? Ewan. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Kinuha ko yung phone ko at nagulat na lang ako dahil may 10 messages galing lang kay Billie. Ano naman kaya ang dahilan ung bakit siya magtetext sa akin bigla bigla. Matingnan nga.

Hoy! Gising! May sasabihin ako! dali!

Ano ba? Tulog ka pa ba?

Sheenna!

Sheenna!

At lahat ng sumunod na text puro pangalan ko na ang nakalagay. Bakit kaya? Buti may extra load ako ngayon.

Billie, ano ba yon ha?

Sheenna, nagbukas ka na ba ng facebook?

Hindi pa bakit?

“Magbukas ka na, dali!”

Okay, sandali lang.” at ano naman ang meron sa FB? Sana naman importante ito.

Nang makapag-log in ako, nagulat ako kasi meron akong 25 friend requests tapos 52 notifications. Ano ito? Naging artista na ba ako agad? Ito na siguro ang dahilan ni Billie kung bakit atat na atat siyang magbukas ako ng FB ko. Yung 25 na friend requests puro taong hindi ko kilala pero alam kong sa school sila nag-aaral. Wala naman masama kung i-add ko sila, we go to the same school naman. At yung notifications? IYON ANG NATAKOT AKO. 

Puro picture nung kahapon, nung magkasama kami ni Kurt. Dahil sikat nga si Kurt sa school, pinagkaguluhan dahil iba yung kasama niya, ako at hindi si Agnes. Ang daming comments. Every minute yata ilan ang nadadagdag sa notifs ko. Hindi ko na sana babasahin pero hindi ko rin mapigilan ang sarili ko. Yung iba, puro panlalait lang, meron naman na okay lang daw at karamihan, mang-aagaw daw ako. Nakakaiyak, at oo, umiyak talaga ako. Sumakit pa talaga ang ulo dahil ayoko na may makarinig sa iyak ko. Naisip sana nila na tao rin ako.

Parang pang teleserye naman itong nangyayari ngayon sa akin. Ganito lang siguro dahil ang taong kasama ko kahapon ay ang taong gusto rin makasama ng halos lahat ng babae sa school. Yes, it’s a Christian school pero hindi mo maialis sa amin ang ganito, kabataan din kami.

Kailan ba ito matatapos? May pasok pa man din bukas.

True Love Waits Ch. 9

Pagkapasok namin sa loob ng arcade, may naalala ako. Ano yon? Bad news. Hindi ako nakahingi ng pera kay Papa at ang laman ng wallet ko ay 50 pesos lang. Yayain ko na lang kaya itong si Kurt sa iba pero parang dito niya gusto dahil hayun, kumukuha na ng pera sa wallet niya para bumili ng tokens niya. Ayoko namang magpalibre sa kanya dahil hindi naman  niya ako obligasyon na ilibre.

“Oh, bakit nandyan ka pa rin? Pumasok ka na kaya.” sabi niya nung napansin niyang wala ako sa tabi niya.

“Ah sige.” pumasok na nga ako ng tuluyan. Papanoorin ko na lang siguro siya.

“Bakit ganyan mukha mo?” tanong niya na may halong pang-aasar pa. Talaga ito oh!

“Wala kang pake!”

“Eh bakit ka nagagalit? Nagtatanong lang naman ako.” sabi pa niya habang tumatawa. “Tara, laro na tayo.”

“Ililibre mo ba ako?”

“Bakit gusto mo bang ikaw ang magbayad for yourself?” natatawa na naman siya.

“Hindi, sige. Nakabili ka na eh. Tanggapin ko na lang ang libre mo.” abot tenga naman ang ngiti ko sa kanya.

“Sheenna, when you’re on a date, the guy will always be the one paying for everything. So don’t you worry. Nag-ready naman ako sa mga gastos.”

“Lahat? As in lahat?” dahil first time ko ito, gulat na gulat talaga ako.

“Huwag mo lang balaking ipabili ang buong mall.” sabi niya habang naglalakad papunta doon sa may basketball. “Pataasan tayo.”

“Joke ba yan, ha, Kurt?”

“You’re a Basketball player and I’m not, Sheenna. I think you’re the one with the advantage here.” nakangiti pa rin siya.

“Eh kahit naman hindi ka basketball player, kasing galing mo naman si John!”

“Dali na. Para masaya at para may thrill.”

“Sige na nga.”

********

Ano ending nung basketball game namin ni Kurt? Syempre siya yung nanalo. At oo, tinambakan niya ako. And to make everything worse inasar-asar pa ako at tinawanan. Tama ba yon? Hindi. Hindi talaga.

What’s next? Haha.

Hinila ko siya sa may barilan. hindi ko nga alam kung ano iyon eh. Pero puro zombie at sobrang dami naming napatay na zombie. Enjoy talaga!  At hinila ko naman siya doon sa may mga race car. Favorite ko rin ito kaya niyaya ko siyang makipag-racing sa akin. Confident pa ako nung una na mananalo ako pero sorry for me, he’s just good at everything.

“Lagi na lang ikaw ang nananalo! Nakakainis na.”

“Sorry.”

“Ha? Bakit?”

“Baka galit ka kasi—”

“Hindi no. Ano ka ba?” nginitian ko lang siya.

“Sheenna!” sumigaw siya ng malakas. Buti na lang at maingay dito at wala papansin sa kanya.

“Bakit?”

“Tara na.”

“Saan naman tayo pupunta ngayon?”

“Basta.” tapos dinala niya ako sa isang shop na nagbebenta ng iba’t ibang accessories for boys and girls.

***

“Bakit tayo nandito? Mahilig ka pala sa mga ganito.”

“Hindi ako mahilig.”

“Eh anong bibilihin mo dito?”

Lumapit siya sa babae sa may counter tapos may itinanong pero hindi ko na narinig kasi may nakita akong cute na bracelet. Habang tinitingnan ko iyon feeling ko may tumitingin din sa akin. Kaya tumingin ako sa kana ko and there I saw her. Nasa tapat ng shop kung nasaan kami. Agad din naman niyang iniwas yung tingin niya sa akin. Bakit kaya? Yes, it’s Agnes, again.

“Maganda ba yan?” nagulat ako bigla nang nagsalita sa tabi ko.

“Kurt, wag kang nanggugulat!”

“Hindi naman kita ginugulat eh. Nagtatanong lang ako.” tumawa-tawa na naman siya. “So, do you like it?”

“okay lang.”

“Yes or No only.”

“Yes.” kapal ko no? wait, hindi naman niya sinabi na bibilhin niya para sa akin so hindi naman siguro ako makapal no?

“Let’s buy it.” kinuha niya agad sa kamay ko tapos binayaran agad. Lightning Kurt, ikaw ba yan ulit? Basketball ba ito?

“Kamay.”

“Ha bakit?” may sira ba ito?

“Wear it na.” kinuha niya yung kamay ko then sinuot na niya sa akin.

Nung papalabas na kami, we saw Agnes looking at us. Pero hinila na agad ako ni Kurt.

“Tara na, let’s get you home. It’s getting dark.”

“Ah sige. Kurt si—”

“Yeah. I know. Just don’t mind her.” sabi niya tapos nginitian niya ako.

“Sige.”

***

Mga 7:30 na nga kami nakauwi at himala dahil hindi nagalit si Papa sa akin kahit nung pagkaalis ni Kurt. In fairness, mabait si Papa kay Kurt.

Siguradong masarap ang tulog ko nito. 🙂

True Love Waits Ch. 8

Pagkatapos non, tinukso-tukso ako nung mga nakakita. Nakakahiya pero okay lang naman.

*****

What day is it today? it’s SATURDAY! 8 am pa lang, naligo na agad ako, EXCITED MUCH? Hindi naman. Buti nga pinayagan ako nila mama at papa. Usual thing ng girls sa umaga, you know them all.

2:45 na, nakabihis na ako at nakaupo sa sofa. May nag-bell pero si papa na ang nagbukas ng gate. Pero ang tagal yata niyang papasukin, ah baka hindi naman importante.

“Sheenna, mag-ingat kayo ni Kurt ha. Ay, halika, pasok.”

“Salamat po.Hi, Sheenna.” Bakit nandito siya? Akala ko ba sa school?

“You look nice.” tapos nginitian niya ako.

“Ikaw din. Gusto mo ba ng tubig o kaya juice?”

“Hindi na. Ready ka na ba?”

“Oo, eh akala ko ba sa school tayo magkikita? At tsaka paano mo nalaman bahay ko?”

“Mauuna ko kasing dadaanan itong bahay niyo kesa sa school kaya dito na lang ako pumunta. At paano ko nalaman? Syempre for 4 years dito kita nakikita na umuuwi parati.” tapos tumawa siya.

“Sige, tawa ka lang.”

“Sorry na. Ito naman..”

“Hay mabuti nga at dito na siya dumiretso para nakita ko rin. Iingatan mo ang anak ko.” sabi ni papa. Nako, makaalis na nga.

“Ah..tara na? Ha, Kurt? Tara na?”

“Ah okay. Sige.” tapos humarap siya kay papa.”Sige po. Aalis na kami.”

“Bye PAPA!!!” hinila ko na agad itong si Kurt.

“Nagmamadali ka na yata ngayon?” medyo nagtataka tuloy ang mukha nitong si Kurt.

“Ah..excited lang siguro ako.”

Sumakay lang kami ng jeep. Sa mall lang yata kami pupunta eh. “Sa mall ba tayo? Anong  gagawin natin?”

“You’ll see.” Sa mall nga kami bumaba. Naglalakad kami, nag-escalator at nag-stop sa tapat ng Seafood Island.

“Kurt, dito ba tayo kakain?”

“Dito ko sana balak. Ayaw mo ba?”

“Hindi naman. Pero allergic kasi ako sa seafoods eh…” medyo nahiya naman ako sa kanya….ALLERGIES!!

“Ah ganun ba? Sorry, I didn’t ask. Where do you wanna eat?”

“Pwede bang sa….uhm sa ano—-”

“Kahit saan pwede.” nakangiti siya na medyo natatawa. Nakakahiya na talaga pero kesa naman mag-suffer pa ako sa allergies ko.

“Gusto ko sa KAMAYAN eh.” sana naman okay lang sa kanya na doon kami.

“Sure. Tara, saan ba yon?”

“TALAGA?! yehey! Dito! Dito!” hinila ko na naman siya tapos tumakbo na kami.

Nung makaupo kami, sinabi ko na sa kanya yung gusto kong kainin tsaka siya pumunta sa counter. Medyo matagal nga eh kasi maraming tao.

“Sabi nila wait daw ng 5-10 minutes. I said yes.”

“Ah, okay.”

“I like your eyes. They’re so BIG.” nang-aasar yata ito eh.

“Oo na. Sige na. Malaki na mata ko.” Medyo nainis ako dun ah.

“Hindi naman kita inaasar eh.” Hindi daw pero patawa-tawa pa siya. Buti na lang ang gusto kita!..wait, sinabi ko ba iyon sa isip ko? well, sa isip ko lang naman.

May tinitingnan si Kurt sa labas kaya napalingon tuloy ako sa tinitingnan niya. Wala naman akong makita, ano ba iyon?

Tatanungin ko na sana siya pero nakita ko na yung tinitingnan niya. Siya na naman. Si Agnes na naman. Ang daming dalang bags, nag-shopping na naman siguro. Akala ko hindi alam ni Agnes na nandun kami pero tumigil siya at tumingin kay Kurt tapos sa akin. Tumingin din tuloy yung dalawa niyang kasama. But after a few seconds, naglakad na ulit sila.

“Sir, Ma’am, your order’s here.” nagulat pa kaming dalawa ni Kurt. Sinabayan pa  kasi niya ng tingin si Agnes habang papalayo. Date pa ba itong maituturing? Sana.

“Sir, meron pa po bang kulang?”

Tininingnan niya lahat. “Wala na po. Sorry, baka nahirapan kayo ha. Matakaw kasi itong kasama ko eh.” Kanina lang seryoso ang tingin kay Agnes ngayon naman nang-aasar ulit. Nako.

“Sige po, kuya. Salamat!” ngumiti lang si kuya waiter sa amin tapos umalis na.

“Kain na.” at seryoso na naman ang expression ng mukha niya. Nag-usap pa rin naman kami habang kumakain pero hindi na masyadong madaldal si Kurt.

Pagkatapos namin kumain, dinala niya ako sa isang arcade. Sa totoo lang, gusto ko dito sa mga arcade eh. Favorite ko ito. At sana naman, maging totoong date na ito. Please naman.

“Is this your first date?”

“Oo. Bakit?”

“Sorry kanina. But I’ll make sure your first date will be great.”

Please lang, Kurt.

True Love Waits Ch. 7

After non, lumabas na kami. Mga 4:45 na ng hapon kaya naglibot na lang kami dito sa school. Mga 5 kasi, awarding na.

Pumunta muna ako sa 2nd floor ng High School Building, kasi may fountain doon, libreng tubig nga pala iyon. Pero narinig ko na naman silang nag-uusap.

“Hey, you were great a while ago,” si Kurt na naman.

“Ah, thanks. Ikaw din naman,” at si Agnes na naman ang kausap nya. Teka, akala ko break na sila? Ano ba ito, hindi naman ako dapat nanghihimasok pero..pero..bakit pa ako niyaya ni Kurt sa Sabado?

“Thanks. I guess, see you around.”

“Bye.” nagtago ako para ‘di nila ako makita. Nung ‘di ko na sila nakikita, pumunta na ako sa fountain para gawin yung ipinunta ko doon, ang kumuha ng tubig.

“Oh, baka akalain mo baak kong mag-two time,” wait, may tao pa dito?

“H-ha?”

“I know na narinig mo rin kami when we broke up.”

“Sorry ha. Hindi ko naman sinasadya. Nagkakataon lang talaga na nandoon ako.”

“It’s fine. Basta pumunta ka sa Saturday ha.”

“Ah. Magpapaalam muna ako.”

“Okay.” tumalikod na siya at umalis. Bakit ba pati likod niya gwapo? Nako, Sheenna! tama na yan!

***

Bumalik na ako sa Dome. 5 na at awarding na. Gulat ang lahat sa mga winners ngayon, know why?

“3rd place, BLUE family!” lahat tahimik at nakanganga. Lagi kasing Blue Famiy ang champion, 3 consecutive years na tapos biglang sila ang over-all losers ngayon…woah.

“2nd place, RED family!” iyan naman hindi na nagbago.

“1st place is…….the GREEn family!” NO WAY.

“And this year’s Intramurals Champion is the YELLOW FAMILY!” ano raw? Pakiulit?!

“YES! Thank You, Lord!” sigaw ni Billie at halos lahat na rin kami syempre. Sabi ni Ms. Gonzales we won dahil sa lahat ng minor games, kami ang winner at isama mo pa ang Girls’ Basketball. Grabe, akalain mo yon, nanalo kami.

“Congrats, you all deserved it.” sabi ni Kurt habang nakangiti at……..nakahawak pa sa kamay ko. HUWAAAT??!

“And wag ka aabsent sa Saturday. Baka ma-miss mo ako for some time.” bumitiw na siya sa kamay and then ngumiti sa akin tapos umalis na.

At bakit naman kita mami-miss ha?