me, my friends and college

Dahil sa tagal kong nawala at wala pa akong naisusulat na kahit anong update sa aking blog, naisipan ko tuloy na bumisita sa aking site. 🙂 Magkukwento lang naman ako eh… tungkol sa mga kaibigan ko, tungkol sa college… mga normal days lang. 🙂

538157_428848333857839_68771520_n

Tulad na lang ng picture na ‘yan sa taas. Napaka-random… hindi ko na nga maalala kung anong araw ‘yan kinunan eh basta alam ko, isa ‘yan sa mga recent pics namin. 🙂 Yung naka-jacket na blue, si Charlie ‘yan. siya ang kaibigan ko na sinasabing hindi raw siya Pilipino kaya sabi ko naman, “Taksil ka!” hahaha 🙂 Yung naka-brown na jacket naman si Ren-Ren at ako yung babaeng naka-blue sa gilid. Kaya kami nasa gilid ni ren-ren ay dahil binalak naming matulog niyan eh. LOL. pero obviously, we weren’t successful. 😛

546808_615018295182255_360985748_n

at ito naman, obvious na obvious naman, nung Valentine’s Day ito kinunan. nasa mall kasi kami at nakita namin itong booth na ito kaya nagpicturan na lang kami dahil pare-pareho kaming mga walang date nung araw na iyon. 😀 ahahaha. at ito pa pala, nilibre kami ni Charlie ng chocolate cake nun! yum yum. at kinain din namin yung chocolate cake na dala ni Jaki nung day na ‘yon. may event din pala yung school nung araw na ‘yon so hindi naman kami malungkot… although, lahat ng Valentine surprises ng boys sa school ay hindi mga successful… well, hindi naman ako yung ni-surprise kaya i will not say anything more. mwahahhahahaha!

16488_563210540356189_1295074886_n

yes, this is us again. 🙂 hindi pa naman mandatory mag-uniform sa school kaya hindi pa kami lagi nag-uuniform. Tuesday nga ang uniform day namin eh pero sabi sa amin ni ma’am *, tuwing monday na lang daw para nakikita niya… haha. anyway, natripan lang naman namin ‘to dahil lahat nga kami naka-uniform that day (Except for the two na hindi.. haha). at ang daming nagsasabi na para raw kaming nagtatrabaho sa Globe dahil sa uniform namin! LOL. it’s not our fault! si Mr. Rajo Laurel ang nag-design ng uniform so i don’t care kahit ano pa sabihin niyo, designer brand ang uniform ko. LOL.

anyway, that’s it for today 🙂 may pasok na bukas!

Feb. 25, 2013/ EDSA Revolution Day

Advertisements

What Do You Think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s