True Love Waits Ch. 13

True Love Waits Chapter 13

Maghihintay pa ba ako?

Pero ano naman ang dapat kong hintayin? Wala naman akong pangakong hawak.

Hindi ko alam kung ano ba ang nararamdaman ko. ‘Yun bang parang kapag hindi ko pinilit ang sarili ko na walang maramdaman, bubuhos na lang ang luha mula sa mga mata ko. Alam ko namang hindi ko matatakasan ‘to. Haharapin ko rin ito, pero saka na. Kapag kaya ko nang sabihin sa kanya. Matagal ko na rin namang tinatago ito. Wala naman sigurong mawawala kung hahayaan kong malaman niya kahit na kaunti lang sa totoo kong nararamdaman.

***

Oh, Sheen, nandito ka na pala,” si papa ang una kong nakita pagpasok ko sa bahay. Napakunot-noo siya habang nakatingin sa akin. “Bakit ganyan ang mukha mo? Ano nangyari ha?” tanong ni papa. Masyado bang halata na tuluyan nang nawala ang maganda kong mood?

Wala po, papa. Nahirapan lang ako sa mga subject kanina tapos ang dami pang gagawin,” minsan hindi mo rin talaga maiiwasan na magsinungaling sa magulang mo. Hindi ko naman gusto pero ayaw ko lang talaga pag-usapan. Nginitian ko na lang si papa tapos humalik na lang ako sa pisngi niya at papaakyat na ako sa hagdan.

Tapusin mo na agad ‘yang mga gagawin mo para makapagpahinga ka na. Tingnan mo sarili mo sa salimin,” pahabol pa ni papa. Parang ayaw ko tuloy tumingin sa salimin at baka sobrang pangit ng itsura ko.

Ang ending ng araw ko, ayon, humilato ako ng magdamag sa kama. May pasok pa bukas. Pero parang ayaw ko nang pumasok.

***

After my morning routine, diretso na ako ng school. I still can’t get myself to smile. Mukha siguro akong sobrang problemado. Nang makarating ako sa may gate ng school, nagulat ako, wala pang maraming estudyante. Maaga na naman yata akong nakapasok ngayon.

Sheenna…” may tumatawag sa akin? Hindi ako lumingon at diretso lang ako sa paglakad ko.

Sheenna! Wait lang!” medyo mas malakas na yung boses tapos parang kilala ko. Teka, nasa loob na ako ng school, syempre naman siguro kung kilala niya ako, kilala ko rin siya. So I decided to turn around to see who it was. And it’s someone I was not expecting to utter a word to me.

Uhm, hi Agnes,” yup, it’s Agnes. Eh bakit naman kaya niya ako tinawag…

Good morning,” greet na ng nakangiti pa. “Is it okay if I ask you something?

Sige…basta kaya kong sagutin,” sagot ko. Na-curious naman tuloy ako kung ano iyon.

It’s.. It’s about Kurt,” sabi niya sa akin. Napatitig tuloy ako sa kanya. “I suppose you already know about it.

And you know about it too? Kelan pa?” so..  alam ba ng buong school ‘to?

Alam ko naman na before pa. pero I didn’t know it would be so soon…” sabi niya sa akin. Agnes looked so upset about it too. “Sige ah. Let’s talk later? Magrerevise pa kasi kami.

Okay.” So.. I just continued walking. Talk later? Tungkol ulit don? Ano pa ba ang pag-uusapan namin tungkol don?

***

Sheenna, bakit parang wala kang energy ngayon?

ah, uhm, hi Kate. Wala, medyo nakakatamad kasi ang araw na’to eh,” or feeling ko lang ‘yun?

Talaga? Ikaw lang ata ang wala sa mood ngayong araw eh,” sabi ko nga eh, feeling ko lang ‘yon.

Oy, Sheenna, galaw-galaw naman diyan! Baka ma-stroke ka!” hay, ito na naman si Billie na laging mataas ang energy.

Sorry ah.. Sige maki-participate lang kayo sa activity ni ma’am. Baka pagalitan pa tayo nito eh,

May hindi ka na naman sinasabi sa amin noh?” sabi ni Billie. Hindi ko alam kung gusto kong ikwento sa kanila. Hindi naman sa ayaw ko, pero parang ayaw ko lang pagusapan. Ang gulo ko.

Sige, class, let’s continue this tomorrow pero dapat bukas, tapos na ‘yan,

Yes, Ma’am!

“Alright. Class dismissed. You may take your lunch.”

“Oh ayan, Sheen, lunch na. Baka gusto mo namang magkwento?” sabi ni Kate habang nag-aayos na ng gamit niya.

“Sheenna, friends mo naman kami eh. Dapat nagsasabihan tayo ng nararamdaman. Mamaya hindi namin alam, naiinis ka pala sa amin,” ito talang si Billie kung anu-ano ang iniisip.

“Hindi noh! Pwede bang dito ko na lang sabihin sa inyo? Dito na lang kayo kumain, lahat naman sila bababa eh.. Please?”

Okay.” “Sige.

***FLASHBACK***

Sheenna, pwede bang sa sky garden tayo mag-usap?” sabi ni Kurt.

Sige.” So umakyat na kami.

Ano ba yung sasabihin mo?”  umpisa ko. Pag-uusapan ba naming ‘yung tungkol dun sa facebook? Sasabihin kaya niya sa akin na game lang talaga ako for him? Or kaya na layuan ko siya? Hay nako, ito na naman ako. Super paranoid na naman. Sana hindi halata.

Wala naman.. ” he said while looking at me sideways, smiling.

Wala? Tapos pinapunta mo pa ako dito,” I did not mean to sound rude ah..

Sungit naman..” sabi niya habang tumatawa. “I just wanted to know if you’re okay. You know, about what happened dun sa–” I cut him off

Oo, okay lang ako. Huwag ka ng mag-alala dun.

That’s good to know,” then he smiled again. I can’t help but stare. “Especially when I’ll be leaving next week,” napatingin siya sa paa niya.

Ha?!  Ano? ! Eh saan ka naman pupunta!?

I’ve been studying online for it para hindi naman ako mahuli. We’ll be leaving for England. 2 weeks after we leave will be start of classes,” after niyang sabihin ‘yon, tumingin siya sa akin. I can see sadness sa mga mata niya. Nagbago yung expression niya. Mukha na siyang nagulat then, “Are you crying?

Napahawak agad ako sa mukha ko at oo nga, tumulo na pala ang luha ko but I tried to deny everything I was actually feeling inside.

Hindi ah. Hindi noh. Sinisipon kasi ako ngayon. Sige, Kurt, mauna na ako sa’yo,” sabay tayo ko sa kinauupuan ko. Tumakbo ako.

Sheenna! Sheena, sandal lang!” I didn’t stop. I kept on running. And the tears kept on flowing too.

***

Wala ka bang balak kausapin si Kurt?” tanong ni Billie.

Meron. And I plan on telling him everything.

 

4 thoughts on “True Love Waits Ch. 13

Leave a reply to myramercedes Cancel reply