PBB Teen Edition 4: Puro na lang lablayp!

bakit ang PBB Teen Edition ngayong 2012 puro na lang tungkol sa love at ilang beses ko na ring naririnig ang mga salitang ‘malandi‘ at ”nilalandi‘, ganito rin ba noong mga nakaraang season?

Hindi ako isang avid na tagasubaybay ng reality show na ito kaya medyo nagugulat ako paminsan-minsan habang nanonood. Kung tutuusin ilang linggo pa lang silang nagkakasama sa loob ng bahay ni Kuya pero nagkakagustuhan na sila.

Si Kit may gusto kay Karen at si Karen may gusto rin kay Kit. Si Claire may gusto kay Yves na may girlfriend naman sa labas pero ang pinopormahan ay si Myrtle at idagdag pa natin si Ryan na pumoporma rin dito kay Myrtle. Saludo naman ako kay Myrtle dahil alam niya ang mga prayoridad niya sa buhay at in fairness, charming naman talaga siya.

Marami pa rin naman iba na nasa loob pero parang ang nagpapatakbo na rin ng show ang may gusto na puro na lang LOVE ang ibigay sa mga manonood. Meron pa nga dati na party para daw mas lalong magkakilala ang mga kabataan sa loob. Kung iyon lang naman ang pakay bakit kailangan pa ng haranahan at date? Siguro to please the viewers kasi nga iyon ang inaabangan ng iba pang kabataan na wala ring inisip kung hindi ang mag-boypren. Sandali lang ha, teen din po ako.

Meron din pa lang task itong si Kuya ngayon na kasama pa si Banker ng Deal or No Deal. Ayos naman motibo niya para ipagawa ang ganitong task at makikita mo rin kung sino sa mga housemates ang mature na at kung sino ang tila gusto pang maglaro. Sana lang ay seryosohin nila ang task na ito para naman makain ko ang mga sinabing kong puro na lang sila tungkol sa LOVELIFE.

Well, matagal pa naman ang PBB so marami pa akong papanuorin at maybe they’ll mature as time passes.

Advertisements

3 thoughts on “PBB Teen Edition 4: Puro na lang lablayp!

What Do You Think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s