bored na nga, may ipis pang lumilipad.

when it’s Saturday………..i’m always bored.

estudyante rin ako at alam ko na pinakahihintay na araw ng mg kabataan ang weekends. pero kapag Sabado, feeling ko loner ako kaya lagi kong naiisip na sana, may pasok na lang para naman hindi ako ma-bored. 😦 kasama ko naman ang 2 kong kapatid dito sa bahay pero kasi malalaki ang agwat ng mga edad namin kaya ganun at isa pa, pareho silang nagtatrabaho na kaya rest days nila ang weekends…..ako lang tuloy ang laging gising sa araw na ito. si Papa naman, may pasok din at halos madaling araw na kung umuwi, sa Toby’s kasi siya at sa mga malls kay ganun. si Mama naman…well, she’s six feet under the ground. (parang ang sama kong anak kung i-describe ang pagkamatay ng Mama ko.)

hayss….kaya internet lang talaga ang kasa-kasama ko. buti pa nga si SimSimi maraming kausap tapos ako wala. nakow. 😦

at badtrip! bored na nga ako, may lumilipad pang ipis dito! bakit kaya may pakpak ang ipis? anong silbi ng pakpak nila, makakatulong ba ito sa kanila? nako, nako, pero buti pa ang ipis nakakalipad. pangarap ko kasi yon. kung magkakatotoo man ang pangarap na iyon, please lang wag sa form ng isang ipis. 😛

at least nawala kahit papaano ang boredom dahil sa’yo, ipis. but please, go away.

Sunday naman bukas, churh day. 🙂 may naghihintay na cell leader sa akin 🙂 hehehehe 🙂

Advertisements

What Do You Think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s