Bisita, Mahal na ata Kita

a short story i wrote for our tagalog school newspaper, hiraya manawari.

I OWN EVERYTHING, LOL. haha. just enjoy reading.

Bumalik ka nga nawala naman ang pagmamahal mo. Akala ko posibleng magkatotoo ang mga fairytales. Naloko ako ng sarili kong batang puso. Ang katagang I love you pala ay pwedeng sabihin kahit hindi mo naman tunay na mahal ang isang tao. Bakit ikaw pa, bakit pa ako naghintay at umasa, sana nalaman kong aalis ka rin pala.

“Ika! Gumising ka na! May bisita tayo! Bilis!” sa malakas na tinig ni mama agad akong bumangon at nananabik na makita ang mga bisita, minsan lang kasing may dumalaw sa amin.

Dali-dali akong pumasok sa banyo sa tabi ng kusina ng munti naming bahay. Maliit lang ang bahay, hati-hati kaming apat na magkakapatid sa iisang kwarto at si mama at papa sa isa pa. Maaliwalas din dito dahil laging bukas ang mga bintana ng kawayan. Binilisan ko ang pagligo at dumiretso pabalik sa kwarto namin. Mag-isa lang ako sa kwarto ngayon dahil nasa Maynila yung tatlo kong kapatid, natanggap kasi sila bilang mga iskolar ng isang unibersidad doon.

Isinuot ko ang regalo ni ninang na pantalon na maong, paborito ko kasi ito at yung ‘snow white’ na damit na binili ni papa para sa akin. Kinuha ko ang tsinelas at pumunta na sa may salas. Nakita ko ang isang magandang babaeng nakasuot ng puting kamiseta, slacks at mataas na step-in. Kasama niya ang isang batang lalaki na parang kasing-edad ko lang. Maputi siya at matangos ang ilong. Ang mga mata niya ay nakakahumaling tingnan. Para siyang yung mga tao sa magasin. Nakasuot pa siyang ‘mickey mouse’na damit at pantalon at sapatos.Sa isang tingin pa lang halatang mayaman ang mag-ina. Napaisip tuloy ako kung bakit sila nandito sa bahay.

“Beth, ito ba ang anak mo?” tanong nung magandang babae kay mama.

“Oo, si Ika. Makulit ‘yan, nahihiya lang kasi ‘di ka pa kilala” sagot naman ni mama.

“Oy!” medyo may kalakasang tapik sa akin nung mestisong batang lalaki. “Ako si Rence. Let’s play! I brought snakes & ladders. Turo kita nito laro” pautal-utal niyang sinabi sa akin, napangiti nalang ako.

“Okay” ang katititng kong naisagot. Mahirap makipag usap sa kanya, nakakahilo.

Tinuruan niya ako at naglaro kami hanggang gabi. Tumigil na nga lang kami nang tawagin kami ni mama para kumain.

Sa hapag, nag-uusap ang mommy ni Rence at si mama. Magkaklase pala sila noong hayskul at kakalipat lang nila dito sa Bicol.

Simula noon, araw araw nang dumadalaw si Rence sa amin para lang makipaglaro. Lagi rin naman akong masaya kasi may kalaro na ako. Siya ang tangi kong kaibigan sa buong bayan eh.

Sa loob ng limang taon, ‘di nagsawang pumunta si Rence sa amin at hindi pa rin siya magaling mag-tagalog. Sa isang araw, Grade 6 na kami! Excited na ako!

“Ika! Come out! Let’s go to school now!” sigaw ni Rence sa may labas ng bahay. Nagulat ako at nandoon siya.Unang beses niya kasi itong ginawa.

“Why are you here?” tanong ko na may halong pagkagulat.

“Let’s go to school together! I don’t want to go alone.” may pangungumbinsi niyang sinabi.

Hindi na ako tumanggi at nagsabay na kami. Sa pagpasok naming  sa silid, sinalubong kami ng mga kaibigan namin. Parang sampung taon kaming ‘di nagkita sa sobrang excited naming magkwentuhan. At dahil unang araw nga ng pasukan, puro essay lang ang pinagawa, lahat patungkol sa mga nangyari noong bakasyon.

Ang eskwela, tulad pa rin naman ng dati pero masaya talaga ang unang araw kasi sabik kang gumawa. Lahat masaya, lahat nakangiti at lahat maraming kwentong dala.At wala pa ring pinagbago iyong mga babaeng nagkakagusto kay Rence. Mula Grade 4 hanggang 4th year ng hayskul sinusundan siya, minsan tuloy nahihiya na akong tumabi sa kanya. Siguro kung hindi ko matalik na kaibigan si Rence, isa rin ako sa mga lumalapit-lapit sa kanya ngayon.

“Ika, sabay tayo uwi,” nakangiti niyang sinabi sa akin sabay ng pagpapa-cute niya. Akala niya masayang makita yon, pero nakakainis talaga.

“Ayaw niya! Mag-isa ka na lang. Sama mo mga girls mo!” panunukso ni Mia, kaibigan namin.

“Bakit Ika, selos ka ba?” seryoso niyang tanong sa akin

“Hindi ah! Ang kapal mo! Talagang mag-isa kang umuwi. Hindi kita sasamahan.” Sagot ko.

Pero kahit na sinabihan namin siya na iiwan namin siya, humabol pa rin siya sa likuran. Naunang nakauwi si Mia dahil mas malapit ang bahay niya. Heto’t dalawa na lang kami ni Rence. Puno ng katahimikan nung kaming dalawa na lang, pakiramdam ko tuloy nagalit siya sa akin, o kaya akala niya na may gusto na ako sa kanya. Baka iniisip na rin niyang layuan ako. Pero bakit ba ako ganito, wala naman akong gusto sa kanya kaya wala akong dapat ikatakot. Kaibigan ko siya, sigurado ako doon.

Haay, dumating na naman ang umaga. Pero gusto ko makita mga kaklase ko kaya bibilisan ko ang pagkilos. Natanaw ko sa may bintana si Rence na naglalakad. Tumigil siya ulit sa may labas at tumingin sa akin at ngumiti.

“Sabay ulit tayo?” tanong ko.

“Bakit, ayaw mo na ba agad akong kasabay?”

“hindi no! sandali lang ha. Hintayin mo ako.”

Akala ko talaga nagalit sa akin si Rence kahapon. Pero ayos na rin na nandiyan siya at mukhang masaya at parang wala lang naman sa kanya yon.

“Ika, let’s go to my house later, okay?” sambit niya habang gumagawa ng assignment.

“ha? Bakit? Anong meron?” sabi ko.

“wala naman. You will come, that’s final.” Tumungo na lang ako sa sinabi niya, gusto ko naman kasi doon, maganda kasi at malaki.

Si tita Steph agad ang sumalubong sa amin sa pagbukas ng pintuan ng bahay nila. Sobrang sigla niya na parang walang kapagod-pagod. Ang saya niyang kasama, parang lagi kang masaya.

Ang daming nakahanda sa hapag nila, sinabi ni Rence na dahil darating ang iba niyang mga pinsan. Pinakain nila ako ng marami at yong paborito kong ice cream mayroon sila kaya naparami lalo ang kain ko.

“I love you” sambit ni Rence.

“ha?” tulala kong nasabi.

“Pwede ba tayong lumabas bukas? Sige na oh..” sabi niya

“bahala ka.” Hindi ko alam kung bakit iyan ang naisagot ko.

At kinabukasan, lumabas nga kami, ganoon din noong sumunod at sumunod. Siguro alam na ito ni mama kasi hindi na niya ako tinatanong kung bakit lagi akong hinahatid ni Rence pauwi.

Ilang buwan na nga rin kaming lumalabas ni Rence, at isang araw sinabi niyang baka hindi kami magkita ng matagal.

“Ano? Bakit? Saan ka pupunta?” agad kong tanong sa kanya.

“In Ireland. We’ll be going two weeks from now. And mom’s planning to stay there for long.”Sabi niya.

“Bakit ngayon mo lang sinabi? Inaasahan mo bang hihintayin kita?” galit kong tanong.

“Alam ko kasing magagalit ka. You won’t even consider dating me. At sana mahintay mo nga ako.” Malungkot niyang sinabi.

Hindi ko naman inaasahang ganoon kabilis ang dalawang linggo. Sabi ni mama sasama daw kami sa paghatid pero ayoko na sana kaya lang gusto ko pa rin makita si Rence kahit sa huling beses.

“I love you, Ika. Please wait for me.” Iyan na ang huli niyang nasabi sa akin bago siya umalis at sumakay sa loob ng eroplano. Hindi ko napigilang umiyak at humagulgol kay mama.

“Aaaaaaaaaaaahh!!!! First day na ng Senior year ko!” bulalas ko sa pagmulat ng aking mga mata. Sa palagay ko’y nagising sila sa sigaw ko.

“bumaba ka na rito!” agad na sagot ni papa. Siguro masarap ang ulam, masarap din kasi ang amoy.

Oo nga, masarap nga! Sinigang ang ulam namin. Ang saya ko ngayon dahil magkakasama kaming anim sa hapag. Puno ng tawanan at tuksuhan. Sabi ni mama bilisan ko na raw at baka mahuli ako sa klase. Dali akong naligo at nagbihis. Ngunit bago ako umalis tinawag ako ni mama.

“Ika, sa susunod na buwan baka magkaroon tayo ng bisita.” Sabi ni mama

“Sino naman, ma?” tanong ko.

“Ah mga kakilala lang natin.”sagot niya.

Mga bisita, lagi na lang may bisita nitong mga nakaraang linggo sa bahay pero ayos lang dahil bakasyon pero ngayong pasukan na parang wala sa timing.

Sumakay ng isang tricycle at diretso agad ako sa harapan ng eskwela. Parang noong isang araw lang, elementary student lang ako tapos ngayon huling taon ko na sa hayskul, napakabilis ng panahon.

Ang hirap ng buhay ngayong senior student na, dati pag first day walang ginagawa ngayon walang patawad. Yung isa, agad na sinabi ang proyekto namin sa kanya at sa loob ng isang buwan namin iyong gagawin. Masyado rin siguro silang nasabik na pahirapan kami.

Lumipas ang isang linggo na masaya pero maraming ginagawa. At kanina ay miniting kami ni lider para paghati-hatian ang gawain sa proyekto, outreach program kasi iyon.

Mabilis ang panahon, outreach na sa barangay. Naglinis lang kami ng mga daanan at taniman ng mga halaman. Nagpakain na rin ng mga bata at nagpalaro. Naging matagumpay naman ang lahat. Natapos ito ng masaya at naghiwa-hiwalay kami pauwi. Pagdating ko sa bahay, ibang babae ang sumalubong sa akin. Parang namumukaan ko, parang , parang si tita Steph!

“Hey sweet girl!” ang masaya niyang bati sa akin.

“Tita!!!!!! Kamusta? May kasama po ba kayo?” sabik kong tanong.

“Oo naman. Ang anak ko!” patawa niyang sagot.

Ayan na nga, nasa bakuran siya ng bahay, ang taong nagsabing hintayin ko siya, ang taong unang nagsabi sa akin ng I love you, si Rence.

“Hi Ika. You grew taller. I missed you.” Nakangiti na naman niyang sabi sa akin. Mas lalo siyang naging gwapo.

“Grabe ka. Ang tagal mo akong pinaghintay. Maraming nanligaw sa akin pero lahat sila hindi ko pinansin para sa’yo.” Inis kong nasambit sa kanya.

“wait a minute, Ika, don’t tell me you expected me to feel the same way towards you like before?” natatawa niyang sinabi

“bakit, hindi na ba?” mahina kong tanong.

“time flies. People change, feelings change. At least we had a great memory as kids, right?” sabi niya na parang wala lang ang dati.

Bumalik ka nga nawala naman ang pagmamahal mo. Akala ko posibleng magkatotoo ang mga fairytales. Naloko ako ng sarili kong batang puso. Ang katagang I love you pala ay pwedeng sabihin kahit hindi mo naman tunay na mahal ang isang tao. Bakit ikaw pa, bakit pa ako naghintay at umasa, sana nalaman kong aalis ka rin pala.

Umakyat ako at umiyak hanggang sa makatulog. Sa paggising ko, umiyak agad ako, ayoko nang pumasok. Saktong pumasok si mama. Nakita niya ako, alam na pala niya kung bakit.

“Tama na. Hindi lang siya ang lalaki sa mundo, anak.” Paghimok ni mama.

“Ma, masakit pala. Dapat hindi na lang ako umasa. Sige po, papasok na ako.” Sabi ko.

Sa paglalakad ko, naisip ko ang panahong lagi kaming magkasabay, na lagi niya akong sinusundo at hinahatid. Lagi ko ring iniisip noon kung kailan niya ulit ako araw araw na dadalawin. Pero hindi ko minsang naisip na mag-isa lang akong papasok ng eskwela kahit na nandiyan lang siya sa malapit. I love you, sana makita ko na ang taong magsasabi niyan sa akin at sana, alam na niya ang ibig sabihin nito.

Advertisements

8 thoughts on “Bisita, Mahal na ata Kita

What Do You Think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s