Divorce Bill: Aprub Ka Ba?

Ang Pilipinas ay isang malayang bansa kaya walang problema kung maipasa man ang Divorce Bill sa ating bayan. Iyan marahil ay isa sa mga rason ng mga mambabatas kung bakit ibinabalik na naman nila ang isang panukalang batas na matagal nang hindi makapasa-pasa dito sa Pilipinas. Isa tayo sa mga nalalabing bansa na hindi aprub sa divorce dahil sa mangilan-ngilan na dahilan.

Una, dahil tayo ay isang Kristiyanong bansa. Bilang mga Kristiyano, sagrado ang tingin natin sa kasal. Tayo ay humaharap sa ating Diyos at sumusumpa sa Kanya. Malaki ang ating pagpapahalaga sa simbahan at sa anumang pahayag nila ukol sa kahit anong isyu ng bansa. At ang Salita ng Diyos ay isang napakabanal na bahagi mg ating pagka-Pilipino, kaya’t iyon ay ating sinusunod.

Pangalawa, ang ating pagpapahalaga sa pamilya. Ang ating pamilya ang pinakamahahalagang tao sa atin. Kung ito ay masisira, malaki rin ang posibilidad na ang buhay ng mga anak ay mawawalan ng saysay. Tungkulin ng ama at ina na maalagaan ang kanilang mga anak at hindi sapat ang rason na maalagaan naman sila kahit na ang mga magulang ay hiwalay na.

Pangatlo, upang pigilan ang imoralidad. Kung ang Divorce Bill ay maaaprubahan, siguradong susunod na dyan ang RH Bill at ang same-sex marriage. Mula sa tinakasang pangako sa Diyos, patungo sa pagkawalang hiya at sagarang paglimot sa Kanyang kagustuhan.

Ito na nga marahil ang nakikitang sagot ng ating mga lider upang tayo ay makaahon sa kahirapan at sa pangmamaliit ng ibang bansa. Isang hakbang na maaring magalis ng ating pagkakakilanlan. Ang ating pagka-Pilipino ay kalilimutan para lang makahabol sa ‘trend’ ng mga dayuhang bansa.

Kung atin nga namang titingnan, hindi pa naaprubahan ang divorce bill pero maraming personalidad na ang may pamilya sa iba’t ibang babae at lalaki. Sangkatutak ang mga anak kahit na ang ina o ama ng batang iyon ay hindi niya asawa. Isang magandang halimbawa ay ang dati nating pangulo, si Joseph Estrada. May anak siya sa tatlong magkakaibang babae at hindi natin alam kung meron pang susunod diyan.

Ang sikat na si Kris Aquino ay may anak kay Philip Salvador at James Yap. At hiwalay din siya sa dalawang lalaking iyan at huwag nating kalimutan na ang kanyang ina ay isang napakarelihiyosong Pilipino. Sa mga halimbawang iyan nawawalan ng saysay ang ating mga dahilan kung bakit hindi dapat ipatupad ang divorce sa bansa.

Ngunit anu pa man ang humadlang at ibigay ng iba na rason para gawing ligal ang diborsyo sa ating bayan, mas malaking porsyento pa rin nating mga Pilipino ang hindi sasang-ayon dito. Isa tayong malaya at demokratikong bansa ngunit mas binibigyang halaga natin ang sabi ng mas marami. Ang Divorce Bill ay dapat ng kalimutan at huwag ng balikan pa.

Advertisements

5 thoughts on “Divorce Bill: Aprub Ka Ba?

  1. oo nga ok sana kung wala ang devorce bill bagay lang sana noonng unang panahon kasi may mga respeto pa ang bawat tao sa marriage at family…eh,sa ngayon ang dami nang abuso sa marriage kahit walang devorce dito sa pinas..kaya nag aabuso kasi walang devorce..mas maganda na ngayon na may devorce sapagkat matuturuan ng leksyon ang bwat isa saatin..dhil tayo ay pinoy pusong mamon.kawawa naman yong pinupuwersa ng dahil lang sa marraige kahit hindi na magkasundo sundo..dapat may devorece bill na sa pinas ..naiintindihan ko ang marriage pero sa nakikita ko sa paligid parehas lang yan kung my devorce o wala sa pinas maraming abuso sa marriage at family…..

  2. para sa akin, hindi pa rin dapat ipatupad ang ligalisasyon ng diborsyo sa Pilipinas. Dahil sa tayong mga Pinoy ay pinapahalagahan natin ang kasagraduhan ng kasal sa simbahan. Matatag ang ating paniniwala sa mga salita ng Diyos sa bibliya na kahit tao ay hindi nito mabubulag ang kapwa tao. 🙂 IMO only ..

What Do You Think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s